Ako si Joriene Lagrazon. Ipinanganak ako noong ika-3 ng Nobyembre taong
2000. Kasalukuyang labing anim na taong gulang. Hindi katangkaran, ngunit sapat
lang ang laki sa pagiging isang Grade 11
student.
Di gaya ng iba, mas lutang at kita ako sa malayo palang dahil di naman
sa panlalait sa sarili ko, ay mas mataba ako sa karaniwan. “Chubby” nga kung
tawagin. Pero ganoon pa man, hindi ito nagging hadlang pagdating sa ibang
gawain na gaya ng karaniwan ay nagagawa ko rin.
Noong nasa ika-9 na baitang ako ng junior high school, ay nag try-out
ako sa eskwelahan naming ng isang sport
na noon pa man ay gusto ko na dahil nawiwili ako kapag nialaro ko ito at ito na
rin ang ‘tinuturing kong pinaka-paborit kong laro pagdating sa lar4angan ng
sports. Nakarating naman ako noon sa ikatlong round ngunit pagdating sa
ika-apat na round ay nalamangan na ako ng isang puntos ng aking kalaban kung
kaya’t hindi ako nakapasok rito.
Lahat ng mga papel ng mga estudyanteng nakarating sa pangatlong round ay
dinala sa coach ng softball at doon kami pinapag try-out. Sa isip ko: sige try
ko dahil wala naman mawawala pag sinubukan ko. Ngunit napagtanto ko na hindi
talaga ito ang nais kong laro kung kaya’t napag-desisyunan kong hindi na lamang
ito magpatuloy dito.
Ilang araw ang makalipas ay nagbalita ang aming guro tungkol sa isang
bagong laro sa aming paaralan, ito ay ang larong “Futsal.” Bago sadya ito
sa’king pandinig ngunit nang malaman ko na ito ay isang uri rin ng indoor game
at hawig ito sa larong football ay hindi na ako nagdalwang isip kung sasali ba
ako o hindi sa larong ito, kaya’t sumali na kaagad ako kahit alam kong hindi
ito papabor sa aking mga magulang.
Ipinanglaban kami noon sa Provincial
meet. Nanalo ng ika-2nd palce kaya’t mayroon kaming nai-uwing
medalya. Sa lagay na iyon ay alam kong proud para sa akin ang aking mga
magulang dahil kahit na hindi sila ganoon kapabor sa pagsali ko ay napatunayan
ko naman na kaya ko kahit nagka-injury ako noon sa tuhod na nagging dahilan ng
hindi nila pagpayag sa akin na sumali sa laro.
Bago kasi ang taon na iyon ay
naaksidente ako sa paglalaro naming ng patintero. Nagkaroon ako ng joint twist
sa aking tuhod na managing dahilan ng pagkapilay ko ng lampas dalawang buwan.
Pinilit ko talaga noong pumasok kahit araw-araw akong naglalagay ng benda sa
aking tuhod dahil ayaw kong maging balakid ito sa aking pag-aaral. Ayaw kong
nakikita ang sarili ko na nakahilata sa bahay at daing ng daing sa magulang na
dahil naman sa kasalanan ko kung bakit ako nagkaganito.
Siguro nga kaya ganoon ang katwiran
ko sa sarili ko ay namana ko ang ganoong pag-uugali sa pamilya ko. May angkong
pangangatwiran sa sarili at paninindigan kung ano ito. Hindi susuko kahit anong
mangyari sapagkat may pinanghahawakang dahilan at pangangatwiran.
Kung alam kong
tama, paninindigan ko ito at ito ang papanigan ko sapagkat alam ko sa sarili ko
na ito ang dapat kong panghawakan.
Ang pang-uugaling
iyon ang sadyanv aking kinagisnan kung kaya't naging dahilan din ito ng aking
pagtataka sa mga bagay-bagay o pagka-curious sa mga pangyayari na nakikita ko
at pagiging palalim kong mag-isip o "pagka-mysterious" kumbaga.
Kagaya ng
karaniwang kabataan ay mayroon din akong pangarap sa buhay. Pangarap di lamang
para sa aking sarili kundi pati sa aking mga magulang pagdating ng panahon. Ang
magkaroon ng maganda at maayos na pamumuhay kasama sila.
Sa kasalukuyang
panahon, ako ay Senior high school
student pa lamang, o Grade 11. Ang tanging pinakamataas na karangalan ko pa
lamang na nakukuha ay ang aking diploma ng Junior high school. Isang katunayan
na natapos ko na ang apat na taon bilang junior high pagkatapos kong
makapagtapos ng anim na taon sa elementarya.
Ang karangalang
iyon ay isa sa aking insperasyon para makapagtapos at maabot ang aking mga
pangarap sa hinaharap. Dahil ang karangalang iyon ang nagpapa-alala sa akin na
kung nakaya kong kunin iyon, kaya ko ring makuha ang kasunod pang mga
katibayan, at yoon ay ang katibayan ng pagtatapos ko ng Senior high school at
ang diploma ko sa kolehiyo, sunid na
noon anv aking mga pangarap.
Kasama sa diplomang
iyon ang Diyos at ang pamilya ko bilang aking insperasyon at sandalan sa tuwing
ako ay nawawalan ng pag-asa. Sila ang palaging nagpapa-alala sa akin na huwag
kaagad susuko sa mga pagsubok na dumadaan sa buhay. Ang Diyos at ang pamilya ko
ang pinakamahalaga para sa akin.
Kahit kailanman ay
hinding-hindi ko gagawin ang pagkawala ng takot sa Diyos at pagrerebelde sa mga
magulang ki sapagkat pangako ko iyon sa aking sarili at hinding-hindi ko
gugustuhin na gawin iyon sa buong buhay ko, dahil sila ang pinaka-inirerespeto
sa lahat.
Pagdating naman sa
kinagagalitan ko, ito naman ay ang mga taong walang utang na loob, walang isang
salita at walang respeto dahil kung wala silang respeto o utang na loob sa
ibang tao lalo na sa mga nakatulong sa kanila ay wala ring karapatan ang iba sa
kanila upang sila ay respetuhin. Isa rin ito sa paniniwala ko katulad ng
paniniwalang nabanggit ko
kanina.
Masaya ang naging kabataan ko kasama
ang aking mga magulang. Kahit na hindi ko nakilala ang tunay kong tatay ay
pinunan naman ako ng pagmamahal nina papa at mama. Minsan tinatanong ako ng mga bata noon kung
papa ko daw ba talaga si papa, syempre ako, isasagot ko “Oo,” dahil kahit
kailanman ay hinding-hindi ko ikakahiyang tawagin siyang “Papa” dahil para sa
akin, siya talaga ang tatay ko. Ang tatay na nagpalaki at nagmahal sa akin
bilang anak.
Minsa inaakala ng mga tao na mapera
kami dahil marami kaming nabibiling bagay na pansarili. pero ang totoo ay hindi
naman talaga, tama lang kumbaga. Mayroon kaming sari-sari store at pinapaikot
lang naming ang puhunan doon kaya nakakaluwag kami sa tubo kaya’t nakakabili
kami ng gusto namin.
Lumaki akong hindi masayahin, dahil
nasanay ako na palagi lamang na nasa loob ng bahay. Wala naman akong kapatid
kaya’t wala akong kakulitan. Hindi koa naman makakulitan sina mama dahil may
pagka-istrikto sila sa akin dati. Kaya noong mga panahong iyon ay matino talaga
ako. Literal na matino dahil introvert ako dati, young tipong iimik lang ako
pag kinausap mo ako.
Nagbago ang ugali ko pagdating ko
nang sekondarya.mas marami akong nakasalamuhang tao, at doon ay lumabas ang
tunay kong ugali. Nagging palakaibigan ako, naging maingay at naging masayahin.
Doon ay natuto akong ilabas ang tunay na ako at ilabas ang aking mga saloobin.
Ang pag-uugaling yoon ay nadala ko sa aming
tahanan. Mas nagging open ako sa aking mga magulang dahil malaki nanaman ako,
mabilis na nila akong maintindihan. Ngunt minsan, dahil na rin siguro sa
problema ko sa eskwelahan ay nadadala koi too sa aming tahanan na nagiging
sanhi ng pagiging negative ko at nagiging bunga naman nang hindi
naminpagkakaunawaan ng aking mga magulang.
Kung minsan naman na nangyayari ito,
kaagad namna naming itong naaayos dahil ayaw ko na magkakaroon kami ng samaan
ng loob ng aking mga magulang.
Gaya Nang
nabanggit ko kanina, hindi naman kami mapera kaya’t wala kaming pera na pang
pagawa ng bahay sa isang village gaya ng Camella at Lumina Homes. Nakatira lang
kami sa isang Urban por ds Lucena City. Maayos naman, kaso maingay gaya nang inaasahan.
Sinple lang ang bahay naming, may sala,
kusina, banyo, kuwarto ,ngunit mayroon itong tindahan. Maliit lang ang kabuuan,
siguro 30 square meters lang ito na may 2nd floor.
Kahit ganoon lang kaliit ang bahay namin ay
nananatili kaming matatag sa isa’t-isa. Tanda ko pa non, isang beses akala ko
mawawala na ang lahat ng pinagsmahan nina mama at papa. Nag-away sila, ‘di ko
alam ang gagawin ko noon kaya’t napagdesisyunan kong magsalita na lalayasan ko
sila kung palagi silang ganoon. Dahil napaka-simpleng dahilan ay pinag-aawayan
pa nila.
Maigi naman at tumigil na sila noon.
Kadalasan naman ay palagi na silang nagsisigawan sa bahay dahil maingay sa
labas kaya’t kinakailangan na aksan ang boses
sa loob ng bahay lalo na kapag nasa ibaba ang isa at nasa itaas naman
ang kausap.
Ang pangyayaring iyon ang
pinakakinakatakutan kong pangyayari sa aking buhay. Walang sinabi ang isang
leyon sa harapan na nais akong kainin. Sobrang natakot talaga ako noon dahil
wala nang mas mahalaga pa sa aking buhay kundi sila.
Kung may pinakakinatatakutan ako, ay
mayroon din akong ginawang kalokohan sa amin. Hindi ko pa ito nasasabi sa mga
magulang ko hanggang ngayon dahil nakalipas na e, bakit ko pa babalikan. Ngunit
sa tingin ko naman ay hindi sila magagalit sa akin pag nalaman nila ang
kalokohang iyon na ginawa ko sa aming bahay.
Hapon noon, iniwanan kasi nila ako
sa amin nang mag-isa lang ako. Pinapatao nila ako noon sa tindahan dahil
mamamalengke sila ng paninda. Siguro mga lagay na ako’y sampong taon na noon.
Sinabi nila sa akin na pwede akong kumuha ng kahit ano sa tindahan para
meryendahin ko ‘wag lang soft drinks at junk foods.
Nang masabi ni yoon, naalala ko
tuloy na gusto ko nga pala kumuha noon di pa man nasapit ang araw na iyon.
Pagkaalis nila ay sinigurado ko muna na sila ay nakalayo na ng bahay namin saka
ako kumuha ng isang piattos at coke na mineryenda ko ng araw na iyon.
Makalipas ang anim na taon ayy
nanatili pa rin itong sikreto sa kanila. Iyon lamang ang pinakatinago kong
pangyayari nsa buhay ko sa kanila. Maiintindihan naman siguro nila ako kung
sakaling malaman nila yoon dahil walang bata ang nagging makulit sa mundo.
No comments:
Post a Comment