Tunay nnang marapat na ika’y
aming igalang lalo na’t kami’y ‘di-hamak na isang estudyante lamang a kayo ay
ang Pangulo ng bansa kung saan kami ay naninirahan. Ngayon po ay kasalukuyang
tumitindi ang usapin sa tinatawag na “War on Drugs” partikular na sa “Extra judicial
killing” ditto sa ating bansa.
Lubos
po akong natutuwa sapagkat sa wakas ay maaaksiyunan na ang kasong ito na
matagal ko nang inaantay na masegundahan pagka’t ako’y isa rin namang kanbataan
na may pakialam sa aking bayang sinilangan. Ang malaman na nababawasan na ang
mga adik sa ating bansa ay sadyang aking ikinatuwa. Ngunit ang aking pagkatuwa’y
tila nasapawan ng takot sa pangyayaring ito.
Ang pagkuha ng buhay ng mga ito ay tila para bang
gamo-gamong bumabagabag sa’king isip. Mga tanong na,
“Ano na lamang ang mangyayari sa
bansa kung patuloy itong ipapatupad?”
“Tama ba na sugpuin ang isyung ito
sa pamamagitan ng ganitong pamamaraan?”
Marahil po ay wala pa akong
kapangyarihan para tanungin kayo ng ganitong katanungan. Marahil rin po ay
maaari ninyo pa akong sumbatan kung ano ba ang nais kong ipahiwatig sa inyo gayong
hindi pa naman ako botante tulad ng ibang taong umaapila rin ng ganitong
sitwasyon sa inyo. Ngunit, bilang isang labing-anim na taong gulang na kabataan
na sa ngayo’y nasa ika-labing isang baitang ng pag-aaral, kayo po’y aking
tatanungin: anon a lamang po ang maaaring sabihin ng ibang bansang nabibilang
rin sa demokratikong bansa tulad natin? Na ang bansang Pilipinas, naturingang
demokratiko ay sila-sila rin ang naglalabanan? Maraming salamat po sa inyong
pag-unawa.
No comments:
Post a Comment