Humanities
and Social Sciences o tinatawag ding HUMSS, sa palagay n’yo ano ba ad strand na
ito? Ano ba ang layunin nito? Ano ba ang mga pinag-aaralan ditto? Ano ba ang
maidudulot nitong maganda para sa akin na madadala ko nsa hinaharap?
Marahil iyan ang mga tanong na bumabagabag sa inyong isp
kapag narinig o nakita ninyo ang strand na HUMSS, mga tanong na malalaman ninyo
ang kasagutan sa essay na ito.
Grade 10 student ka ngayon, hindi ba? Ako, Grade 11, at
natural, nanggaling din ako sa baitang na iyan. Tipong pagkakuha ng NCAE result
ay nagtanong-tanong din tungkol sa unang rank na lumabas sa resultang iyon.
“Bes, HUMSS ang nakalagay du’n sa’akin, ano ba ‘yun?”,
kaunahan kong tanong sa kaibigan ko pagkakuha ng NCAE result naming. Ako kasi, ‘di
ko naman alam kung anong kukunin ko sa college, pero parang napupusuan kong
mag-pulis o ‘di kaya ay mag-teacher.
Nakalagay naman iyon doon sa likod ng NCAE kaya’t nalaman
ko na papasok ang gusto kong kurso sa strand na HUMSS. Kaya ayon, nag-HUMSS ako
ngayon.
So, balik tayo du’n sa tanong, “Ano nga ba ang HUMSS?”
Ang strand na ito ay itinalaga sa mga batang gustong maging Teacher, Pulis,
Lawyer, at iba pa na may kaugnayan sa pamumuno.
Dito sa track na ito, matututuhan mo ang mga gusto mong
matutuhan. Pero yoong mga matututunan mo, ay may kaugnayan syempre sa kurso na
gusto mo. Ipe-prepare ka lang kumbaga.
Dito, matututo kang maging leaderat matututuhan mo kung
paano makihalubilo sa mga magiging kaklase mo dahil sa mga activities ng
subject na major ninyo.
Gaya nga ng sinabi ko, ang track na ito ay para sa mga
kurso na Education, Criminology, Psychology, Mass Communication at iba pang
kurso na may kaugnayan sa pamumuno. So, kung ito talaga ang itinadhana sa iyo
para kunin mo, go ka lang.
Ako mismo ang nagsasabi, dahil ito ang kinuha ko, maganda
at masaya ang strand na ito at hindi ako nagsisisi na ito ang pinasok ko.
Dahil, ang track na ito ang magpapatunay na magiging matagumpay ako sa kinuha
kong kurso at trabaho sa hinaharap.
No comments:
Post a Comment