Pasok ka, 'wag kang
mahiya, hindi naman kita aanuhin,"
Sabi ko sa isang dalagita na nagngangalang Krisha Lae. Puta ang damit, lawlaw
na shorts, tsinelas na wari'y bigay lamang din ng kapitbahay ang kanyang suot.
Pumasok siya ng aming
tahanan, sunid sa aki't umupo.
"Kamusta ka naman? Musta buhay natin d'yan? Ayos lang ba? Kwento ka,"
tanong ko. "Masaya naman, nakakaraos din kahit mahirap ang buhay,"
ika niya. "Yun lang?" panhuti kong tanong. Mahiyain si Krisha Lae,
kilala ko naman siya noon pa dahil magkalaro kami noong kami ay mga bata pa
lang, mas matanda ako sa kanya ng dalawang taon kaya labing-apat na taong
gulang sila ngayon. "Ah, madami ba dapat?," tanong niya. "Aba
syempre naman!" sabay tawa, sagot
ko naman. "O sige, alam mo naman siguro ang buhay ko ate, may dalawa akong
kapatid, si Pacquiao at Lyza, 'yung inaanak mo? Ako grade 8, si Pacquiao, grade
6 nga ba? A, oo tapos si Lyza naman grade 3.
Sa lagay na iyon, napaisip
ako bigla, lahat nga pala sila ay nag-aaral ngunit paano sila nakakaraos ay
wala doon ang kanilang nanag tapos yoong tatay naman nila.. Napalingat ako ng
kaunti sa kanan at napangisi. "Ano nga pala nangyari sa mama mo?"
"Aba, malay ko du'n! Namatay na yata!" Sabay busangot ng mukha
pagkasabi. "Hindi ba nauwi d'yan?" tanong ko. "Hindi! Awan ko du'n, napaka e 'di man
lang kami inalala. Pagkamatay ni Lula Mia, 'di na ulit bumalik. Pinabayaan kami
dito. Dapat nga s'ya ang nag-aalaga sa amin dahil nanay namin s'ya e. Aba, ay
hindi e! Tapos ngayon, nahuli na si papa, natuwa pa! Maigi daw at nahuli na!
Ayan, lalo nang walang nag-alaga sa amin." ika niya. "Bakit pala? Ano
nangyari sa papa mo?," patay malisya kong tanong. "Ah.. nahuli na si
papa ng mga pulis gawa daw du'n sa kay Duterte, 'yung huhulihin lahat ng adik
sa Pilipinas, ayun nahuli si papa. Buti pa nga si papa e." Nagtaka ako sa
pagkaka-sabi niyang iyon. Napaisip ako kung bakit naging mabuti ang adik na
ama, kaya't tinanong ko agad siya, "Bakit naman?" "E kasi kahit
ganun s'ya, binibigyan n'ya kami ng pambaon sa iskul, e 'yang magaling kong
nanay?! Bata pa lang kami, ganyan na ang trabaho n'yan, naalis 'pag gabi tapos
dadating ay umaga na. Minsan nga, tanghali pa." Alam ko na ganoon ang
trabahi ng kanyang ina, dahil may tindahan kami, at tuwing sasapit ang alas
otso ng gabi ay nakakarinig na ako ng taguktok ng takong na tila yanong layo pa
ngunit nakakaamot ka na ng parang pinasabog na amoy ng bulaklak na parang isang
galon ng pabango ay ibinuhos na. Habang papalapit, ay ako namang siyang natayo
dahil pagbebentahan ko sila at alam ko namang bibili sila. Sabay dukot sa bra,
akala ko naman ay kung anong dinudukot, yoon pala ay pera, du'n daw nila
nilalagay para secured, tapos bibili ng kalahating kaha ng Marlboro. Babaunin
daw nila.
"So, ano yu'n? Ok lang
sa papa mo na ganu'n ang trabaho ng mama mo?" tanong ko. "Oo,
nagbibigay naman s'ya e, yu'n ngang kita nya ang pambili namin ng pagkain e,
tapos du'n din kamj nakuha ng pambaon dati." "Ay, tapos minsan pala
binibigyan din kami ni daddy," sabi n'ya. "Sino naman 'yun?"
tanong ko naman. "Si daddy enteng, kapatid ni papa." Sagot n'ya
"A oo si kuya enteng, 'di ba bakla 'yun? Bakit daddy tawag mo? Diba dapat
mommy?" Pabiro kong tanong. Tumawa siya. "Isusumbong kita do'n
ate." Sabi n'ya, sabay tawa ulit. "Joke lang, ah ay 'yun kase gusto
n'yang itawag namin sa kanya e. Di ko alam kung bakit pero sadya na naman na
daddy talaga tawag namin sa kanya dati pa," dagdag niya, sabay ngiti.
"Ah, sosyal ano? DADDY" sagot ko naman, sabay tawa. "Ano bang
trabaho ng daddy mo?" Tanong ko. "Dating nagmamassage si daddy, e
samin din naman s'ya nakatira, kaya nagbibigay din s'ya sa amin. Hanggang
ngayon naman du'n pa din sya nakatira." Ika naman niya. "Ah, e ngayon
anong trabaho n'ya?" Sabi ko. "Wala" sago niya. "O, e pa'no
kayo nabubuhay ngayon?" Tanong ko. "Nagshashabu din si daddy,"
pataas na tono na pabiglang sagot niya. "Ay ano nangyari sa kanya? Buti
hindi sya nahuli gaya ng papa mo?" Mabilis kong tanong. "Hindi, hindi
nahuli si daddy." Sagot niya. "Ahh.." Sabay tango, sagot ko sa
kanya. Hindi ko na dinagdagan pa ang tanong ko patungkol doon dahil baka
maibahan na siya.
"Ikaw? Ano pakiramdam mo na ganyan ang buhay
n'yo?" Tanong na higit kong gustong marinig ang kasagutan mula sa kanya.
Sa lagay na iyon, pagkatapos kong itanong sa kanya ay bigla s'yang natahimik at
parang tumamlay. "Ok ka lang ba?" Agad ko namang tanong ulit sa
kanya. "Masaya naman ako dahil nand'yan ang mga kaibigan ko, bestfriends
ko sila e." Sa sagot niyang iyon ay aking napagtanto na hindi siya ganoon
kasaya sa kanila. Kasama mo nga ang mga kapatid mo ngunit ikaw man ang
magkaroon ng pokpok na ina at adik na ama ay sadyang hindi kasiya-siya.
No comments:
Post a Comment