Friday, March 31, 2017

Si Ateng Fan girl

Kagandahang iminukhang-larawan ni Ateng lipids noong nakaraang taon (2016)














Cover photos ni Gandahan 











Happiness together with her family







Eksena sa birthday ni ate girl






Bebe girl’s 2015 shared photos 










Larawang naka-tag kay bes









Messages sa wall ni sister








Pak na pak na OOTD way back 2013










Comments sa number game na status ni Ate







Uma-awra sa Events si Bebe ko 







Si Kaye ay isang mabait at mapagkakatiwalaang tao. Mabuti siyang kaibigan at siya yoong tipong hindi ka iiwanang mag-isa.












Thursday, March 30, 2017

Who am I?


Ako si Joriene Lagrazon. Ipinanganak ako noong ika-3 ng Nobyembre taong 2000. Kasalukuyang labing anim na taong gulang. Hindi katangkaran, ngunit sapat lang ang laki sa pagiging  isang Grade 11 student.

Di gaya ng iba, mas lutang at kita ako sa malayo palang dahil di naman sa panlalait sa sarili ko, ay mas mataba ako sa karaniwan. “Chubby” nga kung tawagin. Pero ganoon pa man, hindi ito nagging hadlang pagdating sa ibang gawain na gaya ng karaniwan ay nagagawa ko rin.
Noong nasa ika-9 na baitang ako ng junior high school, ay nag try-out ako sa eskwelahan  naming ng isang sport na noon pa man ay gusto ko na dahil nawiwili ako kapag nialaro ko ito at ito na rin ang ‘tinuturing kong pinaka-paborit kong laro pagdating sa lar4angan ng sports. Nakarating naman ako noon sa ikatlong round ngunit pagdating sa ika-apat na round ay nalamangan na ako ng isang puntos ng aking kalaban kung kaya’t hindi ako nakapasok rito.

Lahat ng mga papel ng mga estudyanteng nakarating sa pangatlong round ay dinala sa coach ng softball at doon kami pinapag try-out. Sa isip ko: sige try ko dahil wala naman mawawala pag sinubukan ko. Ngunit napagtanto ko na hindi talaga ito ang nais kong laro kung kaya’t napag-desisyunan kong hindi na lamang ito magpatuloy dito.

Ilang araw ang makalipas ay nagbalita ang aming guro tungkol sa isang bagong laro sa aming paaralan, ito ay ang larong “Futsal.” Bago sadya ito sa’king pandinig ngunit nang malaman ko na ito ay isang uri rin ng indoor game at hawig ito sa larong football ay hindi na ako nagdalwang isip kung sasali ba ako o hindi sa larong ito, kaya’t sumali na kaagad ako kahit alam kong hindi ito papabor sa aking mga magulang.

            Ipinanglaban kami noon sa Provincial meet. Nanalo ng ika-2nd palce kaya’t mayroon kaming nai-uwing medalya. Sa lagay na iyon ay alam kong proud para sa akin ang aking mga magulang dahil kahit na hindi sila ganoon kapabor sa pagsali ko ay napatunayan ko naman na kaya ko kahit nagka-injury ako noon sa tuhod na nagging dahilan ng hindi nila pagpayag sa akin na sumali sa laro.

            Bago kasi ang taon na iyon ay naaksidente ako sa paglalaro naming ng patintero. Nagkaroon ako ng joint twist sa aking tuhod na managing dahilan ng pagkapilay ko ng lampas dalawang buwan. Pinilit ko talaga noong pumasok kahit araw-araw akong naglalagay ng benda sa aking tuhod dahil ayaw kong maging balakid ito sa aking pag-aaral. Ayaw kong nakikita ang sarili ko na nakahilata sa bahay at daing ng daing sa magulang na dahil naman sa kasalanan ko kung bakit ako nagkaganito.

            Siguro nga kaya ganoon ang katwiran ko sa sarili ko ay namana ko ang ganoong pag-uugali sa pamilya ko. May angkong pangangatwiran sa sarili at paninindigan kung ano ito. Hindi susuko kahit anong mangyari sapagkat may pinanghahawakang dahilan at pangangatwiran.

Kung alam kong tama, paninindigan ko ito at ito ang papanigan ko sapagkat alam ko sa sarili ko na ito ang dapat kong panghawakan.

Ang pang-uugaling iyon ang sadyanv aking kinagisnan kung kaya't naging dahilan din ito ng aking pagtataka sa mga bagay-bagay o pagka-curious sa mga pangyayari na nakikita ko at pagiging palalim kong mag-isip o "pagka-mysterious" kumbaga.

Kagaya ng karaniwang kabataan ay mayroon din akong pangarap sa buhay. Pangarap di lamang para sa aking sarili kundi pati sa aking mga magulang pagdating ng panahon. Ang magkaroon ng maganda at maayos na pamumuhay kasama sila.

Sa kasalukuyang panahon,  ako ay Senior high school student pa lamang, o Grade 11. Ang tanging pinakamataas na karangalan ko pa lamang na nakukuha ay ang aking diploma ng Junior high school. Isang katunayan na natapos ko na ang apat na taon bilang junior high pagkatapos kong makapagtapos ng anim na taon sa elementarya.

Ang karangalang iyon ay isa sa aking insperasyon para makapagtapos at maabot ang aking mga pangarap sa hinaharap. Dahil ang karangalang iyon ang nagpapa-alala sa akin na kung nakaya kong kunin iyon, kaya ko ring makuha ang kasunod pang mga katibayan, at yoon ay ang katibayan ng pagtatapos ko ng Senior high school at ang diploma ko sa kolehiyo,  sunid na noon anv aking mga pangarap.

Kasama sa diplomang iyon ang Diyos at ang pamilya ko bilang aking insperasyon at sandalan sa tuwing ako ay nawawalan ng pag-asa. Sila ang palaging nagpapa-alala sa akin na huwag kaagad susuko sa mga pagsubok na dumadaan sa buhay. Ang Diyos at ang pamilya ko ang pinakamahalaga para sa akin.

Kahit kailanman ay hinding-hindi ko gagawin ang pagkawala ng takot sa Diyos at pagrerebelde sa mga magulang ki sapagkat pangako ko iyon sa aking sarili at hinding-hindi ko gugustuhin na gawin iyon sa buong buhay ko, dahil sila ang pinaka-inirerespeto sa lahat.

Pagdating naman sa kinagagalitan ko, ito naman ay ang mga taong walang utang na loob, walang isang salita at walang respeto dahil kung wala silang respeto o utang na loob sa ibang tao lalo na sa mga nakatulong sa kanila ay wala ring karapatan ang iba sa kanila upang sila ay respetuhin. Isa rin ito sa paniniwala ko katulad ng paniniwalang nabanggit ko kanina.

            Masaya ang naging kabataan ko kasama ang aking mga magulang. Kahit na hindi ko nakilala ang tunay kong tatay ay pinunan naman ako ng pagmamahal nina papa at mama.  Minsan tinatanong ako ng mga bata noon kung papa ko daw ba talaga si papa, syempre ako, isasagot ko “Oo,” dahil kahit kailanman ay hinding-hindi ko ikakahiyang tawagin siyang “Papa” dahil para sa akin, siya talaga ang tatay ko. Ang tatay na nagpalaki at nagmahal sa akin bilang anak.

            Minsa inaakala ng mga tao na mapera kami dahil marami kaming nabibiling bagay na pansarili. pero ang totoo ay hindi naman talaga, tama lang kumbaga. Mayroon kaming sari-sari store at pinapaikot lang naming ang puhunan doon kaya nakakaluwag kami sa tubo kaya’t nakakabili kami ng gusto namin.

            Lumaki akong hindi masayahin, dahil nasanay ako na palagi lamang na nasa loob ng bahay. Wala naman akong kapatid kaya’t wala akong kakulitan. Hindi koa naman makakulitan sina mama dahil may pagka-istrikto sila sa akin dati. Kaya noong mga panahong iyon ay matino talaga ako. Literal na matino dahil introvert ako dati, young tipong iimik lang ako pag kinausap mo ako.

            Nagbago ang ugali ko pagdating ko nang sekondarya.mas marami akong nakasalamuhang tao, at doon ay lumabas ang tunay kong ugali. Nagging palakaibigan ako, naging maingay at naging masayahin. Doon ay natuto akong ilabas ang tunay na ako at ilabas ang aking mga saloobin.

             Ang pag-uugaling yoon ay nadala ko sa aming tahanan. Mas nagging open ako sa aking mga magulang dahil malaki nanaman ako, mabilis na nila akong maintindihan. Ngunt minsan, dahil na rin siguro sa problema ko sa eskwelahan ay nadadala koi too sa aming tahanan na nagiging sanhi ng pagiging negative ko at nagiging bunga naman nang hindi naminpagkakaunawaan ng aking mga magulang.

            Kung minsan naman na nangyayari ito, kaagad namna naming itong naaayos dahil ayaw ko na magkakaroon kami ng samaan ng loob ng aking mga magulang.

            Gaya Nang nabanggit ko kanina, hindi naman kami mapera kaya’t wala kaming pera na pang pagawa ng bahay sa isang village gaya ng Camella at Lumina Homes. Nakatira lang kami sa isang Urban por ds Lucena City. Maayos naman,  kaso maingay gaya nang inaasahan.

             Sinple lang ang bahay naming, may sala, kusina, banyo, kuwarto ,ngunit mayroon itong tindahan. Maliit lang ang kabuuan, siguro 30 square meters lang ito na may 2nd floor.

             Kahit ganoon lang kaliit ang bahay namin ay nananatili kaming matatag sa isa’t-isa. Tanda ko pa non, isang beses akala ko mawawala na ang lahat ng pinagsmahan nina mama at papa. Nag-away sila, ‘di ko alam ang gagawin ko noon kaya’t napagdesisyunan kong magsalita na lalayasan ko sila kung palagi silang ganoon. Dahil napaka-simpleng dahilan ay pinag-aawayan pa nila.

            Maigi naman at tumigil na sila noon. Kadalasan naman ay palagi na silang nagsisigawan sa bahay dahil maingay sa labas kaya’t kinakailangan na aksan ang boses  sa loob ng bahay lalo na kapag nasa ibaba ang isa at nasa itaas naman ang kausap.

            Ang pangyayaring iyon ang pinakakinakatakutan kong pangyayari sa aking buhay. Walang sinabi ang isang leyon sa harapan na nais akong kainin. Sobrang natakot talaga ako noon dahil wala nang mas mahalaga pa sa aking buhay kundi sila.

            Kung may pinakakinatatakutan ako, ay mayroon din akong ginawang kalokohan sa amin. Hindi ko pa ito nasasabi sa mga magulang ko hanggang ngayon dahil nakalipas na e, bakit ko pa babalikan. Ngunit sa tingin ko naman ay hindi sila magagalit sa akin pag nalaman nila ang kalokohang iyon na ginawa ko sa aming bahay.

            Hapon noon, iniwanan kasi nila ako sa amin nang mag-isa lang ako. Pinapatao nila ako noon sa tindahan dahil mamamalengke sila ng paninda. Siguro mga lagay na ako’y sampong taon na noon. Sinabi nila sa akin na pwede akong kumuha ng kahit ano sa tindahan para meryendahin ko ‘wag lang soft drinks at junk foods.

            Nang masabi ni yoon, naalala ko tuloy na gusto ko nga pala kumuha noon di pa man nasapit ang araw na iyon. Pagkaalis nila ay sinigurado ko muna na sila ay nakalayo na ng bahay namin saka ako kumuha ng isang piattos at coke na mineryenda ko ng araw na iyon.

            Makalipas ang anim na taon ayy nanatili pa rin itong sikreto sa kanila. Iyon lamang ang pinakatinago kong pangyayari nsa buhay ko sa kanila. Maiintindihan naman siguro nila ako kung sakaling malaman nila yoon dahil walang bata ang nagging makulit sa mundo.


Tuesday, March 28, 2017

Critical Essay

        Ayon kay Allejandro G. Abadilla ang sanaysay ay isang uri ng sulatin o akda na naglalaman ng damdamin, kuro-kuro, kaisipan, saloobin o reaksiyon ng manunulat sa isang makabuluhang paksa o tema na naglalayong maghatid ng bagong kaalaman para sa madla. 

        Maituturing naman na sanaysay ang talambuhay sapagkat ayon kay Bienvenido Lumbera, "Maaaring sakupin ng kategoryang sanaysay ang alin mang akdang prosa na nagbabahagi ng impormasyon, nagpapaliwanag, umaakit na paniwalaan ang sinasabi, tumuligsa sa mga institusyon o indibidwal o umaaliw sa mambabasa." Tugma ang pahayag na ito sa kahulugan ng talambuhay, dahil ang talambuhay ay tinatawag din na biyograpiya. Ito ay isang anyo ng panitikan na nagsasaad ng kasaysayan ng buhay ng isang tao hango sa mga tunay na tala, pangyayari at impormasyon.

        Isa sa mga tunguhin ng sanaysay ay ang makapagbigay ng impormasyon sa mambabasa at maipahayag nating mga PIlipino ang ating hinanakit sa mga mananakop. Naging daluyan ito ng ideolohiya sa pamamagitan ng pagpapasa nito sa henerasyon kung kaya't ito ay buhay pa hanggang sa kasalukuyan.

        Nilikha naman ito upang makapagbahagi ng iba't-ibang impormasyon na kalimitan ay nakabatay sa tunay na buhay o karanasan ng isang tao upang magbigay aliw, manghikayat at magpaliwanag ng iba't-ibang katuruan at kaalaman na magbibigay kasagutan sa mga tanong ng tao.

        Ito ay naging kasangkapan sa pagbibigay at pagtanggap ng maraming kaalaman na maaaring makapagbukas ng isipan ng maraming tao, tulad ng talambuhay at iba pa na bahagi ng akdang pampanitikan.

        Noong Disyembre, taong 2009, iisang photoblog ang pinanggagalingan ng halos lahat ng mga pangkat ng balita. Ngunit dahil ito nga ay nag-iisa, ito ang nagsilbing pinanggalingan ng balita tungkol sa sunog noong buwan na iyon. Karagdagan, sa blog din nagmula ang karamihan sa kontrobersiya ng mga artista tungkol sa kanilang showbiz life.

        Ang sanaysay ay may dalawang uri. Ito ay ang pormal at impormal na sanaysay. Ang pormal na sanaysay ay ang pagtatalakay sa mga seryosong paksa na nangangailangan ng masusing pag-aaral at malalim na pag-unawa sa paksa, samantalang ang impormal na sanaysay naman ay ang pagtatalakay sa mga paksang magaan, karaniwan, pang araw-araw at personal. Karaniwan nitong binibigyang diin ang mga karanasan na maaaring magpakilala sa personalidad ng manunulat.

        Kadalasan namang isunusulat ang malikhaing sanaysay sapagkat ito ay paraan upang maisagawa ang bawat damdamin na nakapaloob sa puso ng manunulat at maaari itong makapagbigay ng kasiyahan sa mambabasa.

        Ilan sa mga katangiang taglay nito ay ang pag-uugat sa reyalidad o sa tunay na buhay ng gagawing paksa, pagkakaroon ng malinaw na subjek, malinaw na detalye at pananaliksik o pag-oorganisa tungkol sa napiling tema o paksa.

        Maituturing na halimbawa nito ang BLOGGING sapagkat ito ay nagiging daan upang masabi ng manunulat ang kaniyang mga karanasan at nararamdaman tungkol sa kung ano-anong bagay na hindi niya kayang sabihin ng direkta. Ito ay mistulang talaarawan para sa iba na siyang lagi nilang kinakausap at pinaglalagyan ng mga hindi malilimutang pangyayari sa buhay nila.




How to be HUMSS?

Humanities and Social Sciences o tinatawag ding HUMSS, sa palagay n’yo ano ba ad strand na ito? Ano ba ang layunin nito? Ano ba ang mga pinag-aaralan ditto? Ano ba ang maidudulot nitong maganda para sa akin na madadala ko nsa hinaharap?

            Marahil iyan ang mga tanong na bumabagabag sa inyong isp kapag narinig o nakita ninyo ang strand na HUMSS, mga tanong na malalaman ninyo ang kasagutan sa essay na ito.

            Grade 10 student ka ngayon, hindi ba? Ako, Grade 11, at natural, nanggaling din ako sa baitang na iyan. Tipong pagkakuha ng NCAE result ay nagtanong-tanong din tungkol sa unang rank na lumabas sa resultang iyon.

            “Bes, HUMSS ang nakalagay du’n sa’akin, ano ba ‘yun?”, kaunahan kong tanong sa kaibigan ko pagkakuha ng NCAE result naming. Ako kasi, ‘di ko naman alam kung anong kukunin ko sa college, pero parang napupusuan kong mag-pulis o ‘di kaya ay mag-teacher.

            Nakalagay naman iyon doon sa likod ng NCAE kaya’t nalaman ko na papasok ang gusto kong kurso sa strand na HUMSS. Kaya ayon, nag-HUMSS ako ngayon.

            So, balik tayo du’n sa tanong, “Ano nga ba ang HUMSS?” Ang strand na ito ay itinalaga sa mga batang gustong maging Teacher, Pulis, Lawyer, at iba pa na may kaugnayan sa pamumuno.

            Dito sa track na ito, matututuhan mo ang mga gusto mong matutuhan. Pero yoong mga matututunan mo, ay may kaugnayan syempre sa kurso na gusto mo. Ipe-prepare ka lang kumbaga.

            Dito, matututo kang maging leaderat matututuhan mo kung paano makihalubilo sa mga magiging kaklase mo dahil sa mga activities ng subject na major ninyo.

            Gaya nga ng sinabi ko, ang track na ito ay para sa mga kurso na Education, Criminology, Psychology, Mass Communication at iba pang kurso na may kaugnayan sa pamumuno. So, kung ito talaga ang itinadhana sa iyo para kunin mo, go ka lang.


            Ako mismo ang nagsasabi, dahil ito ang kinuha ko, maganda at masaya ang strand na ito at hindi ako nagsisisi na ito ang pinasok ko. Dahil, ang track na ito ang magpapatunay na magiging matagumpay ako sa kinuha kong kurso at trabaho sa hinaharap.

Mahal naming Pangulong Duterte

           Tunay nnang marapat na ika’y aming igalang lalo na’t kami’y ‘di-hamak na isang estudyante lamang a kayo ay ang Pangulo ng bansa kung saan kami ay naninirahan. Ngayon po ay kasalukuyang tumitindi ang usapin sa tinatawag na “War on Drugs” partikular na sa “Extra judicial killing” ditto sa ating bansa.

Lubos po akong natutuwa sapagkat sa wakas ay maaaksiyunan na ang kasong ito na matagal ko nang inaantay na masegundahan pagka’t ako’y isa rin namang kanbataan na may pakialam sa aking bayang sinilangan. Ang malaman na nababawasan na ang mga adik sa ating bansa ay sadyang aking ikinatuwa. Ngunit ang aking pagkatuwa’y tila nasapawan ng takot sa pangyayaring ito.

            Ang pagkuha ng buhay ng mga ito ay tila para bang gamo-gamong bumabagabag sa’king isip. Mga tanong na,

            “Ano na lamang ang mangyayari sa bansa kung patuloy itong ipapatupad?”

            “Tama ba na sugpuin ang isyung ito sa pamamagitan ng ganitong pamamaraan?”


            Marahil po ay wala pa akong kapangyarihan para tanungin kayo ng ganitong katanungan. Marahil rin po ay maaari ninyo pa akong sumbatan kung ano ba ang nais kong ipahiwatig sa inyo gayong hindi pa naman ako botante tulad ng ibang taong umaapila rin ng ganitong sitwasyon sa inyo. Ngunit, bilang isang labing-anim na taong gulang na kabataan na sa ngayo’y nasa ika-labing isang baitang ng pag-aaral, kayo po’y aking tatanungin: anon a lamang po ang maaaring sabihin ng ibang bansang nabibilang rin sa demokratikong bansa tulad natin? Na ang bansang Pilipinas, naturingang demokratiko ay sila-sila rin ang naglalabanan? Maraming salamat po sa inyong pag-unawa.

Ang Katotohanan sa Nakatagong Sakit ng Lipunan


        Pasok ka, 'wag kang mahiya,  hindi naman kita aanuhin," Sabi ko sa isang dalagita na nagngangalang Krisha Lae. Puta ang damit, lawlaw na shorts, tsinelas na wari'y bigay lamang din ng kapitbahay ang kanyang suot.

         Pumasok siya ng aming tahanan,  sunid sa aki't umupo. "Kamusta ka naman? Musta buhay natin d'yan? Ayos lang ba? Kwento ka," tanong ko. "Masaya naman, nakakaraos din kahit mahirap ang buhay," ika niya. "Yun lang?" panhuti kong tanong. Mahiyain si Krisha Lae, kilala ko naman siya noon pa dahil magkalaro kami noong kami ay mga bata pa lang, mas matanda ako sa kanya ng dalawang taon kaya labing-apat na taong gulang sila ngayon. "Ah, madami ba dapat?," tanong niya. "Aba syempre naman!" sabay tawa,  sagot ko naman. "O sige, alam mo naman siguro ang buhay ko ate, may dalawa akong kapatid, si Pacquiao at Lyza, 'yung inaanak mo? Ako grade 8, si Pacquiao, grade 6 nga ba? A, oo tapos si Lyza naman grade 3.

         Sa lagay na iyon, napaisip ako bigla, lahat nga pala sila ay nag-aaral ngunit paano sila nakakaraos ay wala doon ang kanilang nanag tapos yoong tatay naman nila.. Napalingat ako ng kaunti sa kanan at napangisi. "Ano nga pala nangyari sa mama mo?" "Aba, malay ko du'n! Namatay na yata!" Sabay busangot ng mukha pagkasabi. "Hindi ba nauwi d'yan?" tanong ko.  "Hindi! Awan ko du'n, napaka e 'di man lang kami inalala. Pagkamatay ni Lula Mia, 'di na ulit bumalik. Pinabayaan kami dito. Dapat nga s'ya ang nag-aalaga sa amin dahil nanay namin s'ya e. Aba, ay hindi e! Tapos ngayon, nahuli na si papa, natuwa pa! Maigi daw at nahuli na! Ayan, lalo nang walang nag-alaga sa amin." ika niya. "Bakit pala? Ano nangyari sa papa mo?," patay malisya kong tanong. "Ah.. nahuli na si papa ng mga pulis gawa daw du'n sa kay Duterte, 'yung huhulihin lahat ng adik sa Pilipinas, ayun nahuli si papa. Buti pa nga si papa e." Nagtaka ako sa pagkaka-sabi niyang iyon. Napaisip ako kung bakit naging mabuti ang adik na ama, kaya't tinanong ko agad siya, "Bakit naman?" "E kasi kahit ganun s'ya, binibigyan n'ya kami ng pambaon sa iskul, e 'yang magaling kong nanay?! Bata pa lang kami, ganyan na ang trabaho n'yan, naalis 'pag gabi tapos dadating ay umaga na. Minsan nga, tanghali pa." Alam ko na ganoon ang trabahi ng kanyang ina, dahil may tindahan kami, at tuwing sasapit ang alas otso ng gabi ay nakakarinig na ako ng taguktok ng takong na tila yanong layo pa ngunit nakakaamot ka na ng parang pinasabog na amoy ng bulaklak na parang isang galon ng pabango ay ibinuhos na. Habang papalapit, ay ako namang siyang natayo dahil pagbebentahan ko sila at alam ko namang bibili sila. Sabay dukot sa bra, akala ko naman ay kung anong dinudukot, yoon pala ay pera, du'n daw nila nilalagay para secured, tapos bibili ng kalahating kaha ng Marlboro. Babaunin daw nila.
"So, ano yu'n? Ok lang sa papa mo na ganu'n ang trabaho ng mama mo?" tanong ko. "Oo, nagbibigay naman s'ya e, yu'n ngang kita nya ang pambili namin ng pagkain e, tapos du'n din kamj nakuha ng pambaon dati." "Ay, tapos minsan pala binibigyan din kami ni daddy," sabi n'ya. "Sino naman 'yun?" tanong ko naman. "Si daddy enteng, kapatid ni papa." Sagot n'ya "A oo si kuya enteng, 'di ba bakla 'yun? Bakit daddy tawag mo? Diba dapat mommy?" Pabiro kong tanong. Tumawa siya. "Isusumbong kita do'n ate." Sabi n'ya, sabay tawa ulit. "Joke lang, ah ay 'yun kase gusto n'yang itawag namin sa kanya e. Di ko alam kung bakit pero sadya na naman na daddy talaga tawag namin sa kanya dati pa," dagdag niya, sabay ngiti. "Ah, sosyal ano? DADDY" sagot ko naman, sabay tawa. "Ano bang trabaho ng daddy mo?" Tanong ko. "Dating nagmamassage si daddy, e samin din naman s'ya nakatira, kaya nagbibigay din s'ya sa amin. Hanggang ngayon naman du'n pa din sya nakatira." Ika naman niya. "Ah, e ngayon anong trabaho n'ya?" Sabi ko. "Wala" sago niya. "O, e pa'no kayo nabubuhay ngayon?" Tanong ko. "Nagshashabu din si daddy," pataas na tono na pabiglang sagot niya. "Ay ano nangyari sa kanya? Buti hindi sya nahuli gaya ng papa mo?" Mabilis kong tanong. "Hindi, hindi nahuli si daddy." Sagot niya. "Ahh.." Sabay tango, sagot ko sa kanya. Hindi ko na dinagdagan pa ang tanong ko patungkol doon dahil baka maibahan na siya.

        "Ikaw?  Ano pakiramdam mo na ganyan ang buhay n'yo?" Tanong na higit kong gustong marinig ang kasagutan mula sa kanya. Sa lagay na iyon, pagkatapos kong itanong sa kanya ay bigla s'yang natahimik at parang tumamlay. "Ok ka lang ba?" Agad ko namang tanong ulit sa kanya. "Masaya naman ako dahil nand'yan ang mga kaibigan ko, bestfriends ko sila e." Sa sagot niyang iyon ay aking napagtanto na hindi siya ganoon kasaya sa kanila. Kasama mo nga ang mga kapatid mo ngunit ikaw man ang magkaroon ng pokpok na ina at adik na ama ay sadyang hindi kasiya-siya.


Tuesday, February 7, 2017

Pagtukoy sa reyalidad


        Araw ng sabado, ika - 14 ng Enero taong 2017, ganap na ika - walo ng umaga; araw kung kailan naganap ang aming panunuod ng pelikulang pinamagatang "Taklub" na pinamunuan ng direktor na si Brillante Ma. Mendoza at araw kung kailan ay binigyan kami ng pagkakataong makasalamuha ang batikang direktor.

        Ang pelikulang Taklub ay isang uri ng indie film kung saan ay hindi ganoon kaganda ang productions ngunit umani ng parangal sa Cannes Film Festival noong taong 2015.

        Kabababa lang noon ng jeep ni Bebeth nang kasalukuyang nasusunog ang bahay ni Renato. Tulong-tulong ang mga tao para apulahin ito, buhos ng tubig galing sa timba upang 'di na lumaki pa ito at daan din para makalabas ang pamilya ni Renato na nanganganib ang buhay. Nang dumating ang ambulansya ay huli na ang lahat. Bangkay na ang ilang miyembro, at saksi si Bebeth sa pangyayaring ito. Isa lamang itong pagpapakita na nagdaan man sa matinding sakuna ang mga tao, gagawa pa rin sila ng paraan para makatulong sa kanilang kapwa.
  
        Hindi biro ang pinagdaanan ng mga taong nasalanta ng bagyong Yolanda, lalo na sa Tacloban, Leyte. Kabilang na rito ang pamilya nina Bebeth, Renato, at Larry na tila ba'y nawawalan na ng pag-asa sa kanilang buhay. Ikaw man ang mawalan ng mahal sa buhay na kahit bangkay nito ay 'di pa matagpuan ay sadya namang nakakapanlumo. Mahirap mamatayan ng pamilya ngunit mas mahirap ang mawalan na kahit katawan nito ay 'di masilayan. Ito ay nagpapakita o nagpapa-alala sa ating mga tao na kung tayo man ay nahihirapan na sa ating mga problema, mayroonpang mga tao na mas malala ang sitwasyon ngunit gumagawa pa rin ng paraan para mabuhay nang may pag-asa.

        Sa panahon ng kalamidad o unos na dumaraan sa atin. Tanging sa Diyos lamang tayo kumakapit at humihingi ng tulong. Isa sa ipinakita rito ay ang pag po-prosisyon ng mga tao araw-araw para lumibot sa buong barangay. Ang pagpapakitang ito ay nagpapatunay lamang na ang pagiging banal o relihiyoso ng mga Pilipino ay nananalaytay pa rin makalipas man ang mahabang panahon.

        Ang pagiging matatag ng mga tao pagdating sa mga problema na dumadaan ay sadyang natural na. Ngunit kahit sino man ang tanungin, ito ay hindi biro. Ang pagsalanta ng bagyong Yolanda sa ating bansa, lalo na sa bayan ng Tacloban ay maituturing na lamat ng nakaraan at mananatiling isang trahedya na bumagabag sa buhay ng mga tao, dahil mawalan ka man ng bahay o pera, ito ay wala pa ring kasing sakit nang mawalan ng pamilya.

        Ang pelikulang "Taklub", isang uri man ng 'di gaano kalinaw na pelikula pagkat ito'y isang uri lamang ng indie film, ay maituturing na napakahusay ba pelikula para sa mga taong may pakialam sa pangyayari sa reyalidad ng buhag. Maaaring 'di ito kasing ganda ng mga pelikula na panlaban sa MMFF, ngunit ito naman ay mayroong mas malalim na kahulugan kumapara dito. Dahil ang makita ang reyalidad sa kasalukuyan ay tila isang tandang na gumigising sa atin na bumuo ng panibagong yugto ng ating buhay hanggang sa hinaharap.