Tuesday, February 7, 2017

Pagtukoy sa reyalidad


        Araw ng sabado, ika - 14 ng Enero taong 2017, ganap na ika - walo ng umaga; araw kung kailan naganap ang aming panunuod ng pelikulang pinamagatang "Taklub" na pinamunuan ng direktor na si Brillante Ma. Mendoza at araw kung kailan ay binigyan kami ng pagkakataong makasalamuha ang batikang direktor.

        Ang pelikulang Taklub ay isang uri ng indie film kung saan ay hindi ganoon kaganda ang productions ngunit umani ng parangal sa Cannes Film Festival noong taong 2015.

        Kabababa lang noon ng jeep ni Bebeth nang kasalukuyang nasusunog ang bahay ni Renato. Tulong-tulong ang mga tao para apulahin ito, buhos ng tubig galing sa timba upang 'di na lumaki pa ito at daan din para makalabas ang pamilya ni Renato na nanganganib ang buhay. Nang dumating ang ambulansya ay huli na ang lahat. Bangkay na ang ilang miyembro, at saksi si Bebeth sa pangyayaring ito. Isa lamang itong pagpapakita na nagdaan man sa matinding sakuna ang mga tao, gagawa pa rin sila ng paraan para makatulong sa kanilang kapwa.
  
        Hindi biro ang pinagdaanan ng mga taong nasalanta ng bagyong Yolanda, lalo na sa Tacloban, Leyte. Kabilang na rito ang pamilya nina Bebeth, Renato, at Larry na tila ba'y nawawalan na ng pag-asa sa kanilang buhay. Ikaw man ang mawalan ng mahal sa buhay na kahit bangkay nito ay 'di pa matagpuan ay sadya namang nakakapanlumo. Mahirap mamatayan ng pamilya ngunit mas mahirap ang mawalan na kahit katawan nito ay 'di masilayan. Ito ay nagpapakita o nagpapa-alala sa ating mga tao na kung tayo man ay nahihirapan na sa ating mga problema, mayroonpang mga tao na mas malala ang sitwasyon ngunit gumagawa pa rin ng paraan para mabuhay nang may pag-asa.

        Sa panahon ng kalamidad o unos na dumaraan sa atin. Tanging sa Diyos lamang tayo kumakapit at humihingi ng tulong. Isa sa ipinakita rito ay ang pag po-prosisyon ng mga tao araw-araw para lumibot sa buong barangay. Ang pagpapakitang ito ay nagpapatunay lamang na ang pagiging banal o relihiyoso ng mga Pilipino ay nananalaytay pa rin makalipas man ang mahabang panahon.

        Ang pagiging matatag ng mga tao pagdating sa mga problema na dumadaan ay sadyang natural na. Ngunit kahit sino man ang tanungin, ito ay hindi biro. Ang pagsalanta ng bagyong Yolanda sa ating bansa, lalo na sa bayan ng Tacloban ay maituturing na lamat ng nakaraan at mananatiling isang trahedya na bumagabag sa buhay ng mga tao, dahil mawalan ka man ng bahay o pera, ito ay wala pa ring kasing sakit nang mawalan ng pamilya.

        Ang pelikulang "Taklub", isang uri man ng 'di gaano kalinaw na pelikula pagkat ito'y isang uri lamang ng indie film, ay maituturing na napakahusay ba pelikula para sa mga taong may pakialam sa pangyayari sa reyalidad ng buhag. Maaaring 'di ito kasing ganda ng mga pelikula na panlaban sa MMFF, ngunit ito naman ay mayroong mas malalim na kahulugan kumapara dito. Dahil ang makita ang reyalidad sa kasalukuyan ay tila isang tandang na gumigising sa atin na bumuo ng panibagong yugto ng ating buhay hanggang sa hinaharap.



Pagsasanib-pwersa

        “Ano po bang nag-udyok sa inyo para sumali dito?” tanong ng isang estudyante na nag-iinterview sa mga aktibista. “Nung una kase artist lang talaga ako, kami. Ayan parang ka-line ko lang din si Sir Alvin , nagsusulat ng mga poetry, hanggang sa namulat na ako sa katotohanan na hindi porket sasabihin nila na gan’to ganyan na maraming nagawa si Marcos sa Pilipinas, E ano ngayon at nagbabayad pa rin tayo ng mga ninakaw n’ya sa bayan? So hahayaan pa ba natin na wala tayong gawin ngayon, na aabot pa sa henerasyon ng magiging anak at apo natin? Di ba? Kaya dapat ngayon pa lang aksiyunan na agad natin,” pahayag ng isang disiotso anyos na si Joel Boncay.

        Ika-10 ng Disyembre, ipinagdiwang ang Human Rights Day. Isang pagtitipon kung saan ay bibigyang linaw ang mga estudyante ng CEFI Senior high school (HUMSS) tungkol sa Human Rights.

        Isang puting tela, may sampung yarda ang haba, pinintuirahan ng pula. Iyan ang ginagawa ng ilang artist, may alas dyes y media ng umaga sa third floor ng Pacific Mall habang nakaupo ang mga estudyante. Mga posters na idinikit sa mga poste at pader ng venue ay ilan din sa kanilang inihanda. Mga pinta ng mukha ng tao sa mga panyong maroon ay nakadikit din. Mga katagang ingles na tila humihingi ng hustisya.

       “Ano nga ba ang Human Rights?” tanong ng isang babae sa seminar. Lagay ay tahimik ang lahat, tikom ang bibig at nakikinig. “Ito ay ang karapatan ng bawat isa pagdating sa mga batas na ipinatutupad sa bansa. Siguro pamilyar na kayo sa Martial Law? Sa batas na iyon, hindi lang journalist kundi pati ibang tao ang walang awang napatay at nawala na hanggang ngayon ay hindi ka nakikita.

        Matapos ang talakayan, habang naghihintay ay nagpalipas muna ang lahat. Nagkaron ng pagbabahagi ng ng talento ang mga mag-aaral na inihalintulad sa panahon ni Marcos. “Sige ibahagi n’yo lang ang gusto nyong ipahayag, buti nga ngayon at pedeng pede na, hindi na ito Martial Law. Wala na yon. Kaya go lang kayo.” Ika ng babae. At nagsimula na nga ang talent exposition.

        Makalipas ang ilang oras ay nagsimula na ang filmshowing na pinamagatang “The Barber Tales”. Mahigit dalawang oras na isinagawa ang film showing. Matapos noon, nagkaroon ng performance galling sa ibang mga aktibista at nagpahayag din ang samahan na “Bahaghari” na nanghihikayat na sumali sa kanilang grupo.

        “Alam n’yo kase, ganito ‘yan, dib a nakita mo ‘yung kaklase mo na nagnakaw sa is among kaklase, nakita mo na pero wala ka pang ginawa? Yung parang naging mas makasalanan ka pa dun sa nagnakaw? Yung alam mo na na may nangyaring masama pero nanatili ka paring pikit at walang ginawa? Di ba ang syet lang?! Kaya yon, mas mabuti pa na tayo ay makialam na habang maaga pa,” pahayag ni Joel Boncay.